Church of God Tuguegarao, nanguna sa Medical Mission sa Tuguegarao City, Cagayan

0
viber_image_2026-08-01_15-49-37-347

Matagumpay na isinagawa ang isang Medical Mission noong Agosto 1, 2026 sa Brgy. Balzain, Tuguegarao City, Cagayan, na naghatid ng iba’t ibang serbisyong pangkomunidad para sa mga residente.

Pinangunahan ng Church of God Tuguegarao ang nasabing aktibidad katuwang ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, pribadong organisasyon, at mga volunteer group na nagkaisa upang makapagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan at iba pang community outreach services.

Sa naturang aktibidad, nagkaloob ang iba’t ibang katuwang na ahensya at organisasyon ng libreng serbisyong medikal, konsultasyon, gamot, at iba pang community outreach services para sa mga residente ng barangay. Samantala, bukod sa pagbibigay ng seguridad sa lugar, nagkaloob din ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company ng libreng haircut services sa 40 benepisyaryo.

Layunin ng aktibidad na maisulong ang kapakanan ng komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng simbahan, kapulisan, at iba pang katuwang na sektor sa paghahatid ng makabuluhang serbisyo. Patunay ito ng patuloy na pagpapalakas ng police-community partnership tungo sa isang ligtas, maayos, at malasakit na pamayanan, alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas.

Source: 1st Cagayan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *