Force Multiplier, pinangunahan ang “Bayanihan in Rice Planting Pugas”

Nanguna ang mga Force Multipliers sa isinagawang “Bayanihan in Rice Planting Pugas” na ginanap sa Barangay Palanogan, Calbayog City, Samar nito lamang ika-8 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga Barangay Officials kasama ang mga Revitalized-Pulis sa Barangay Team Palanogan at mga residente ng nasabing lugar.

Ang “Bayanihan in Rice Planting Pugas” ay isinagawa upang itaguyod ang pagkakaisa at ibahagi ang responsibilidad na nag-iiwan ng pangmatagalang positibong epekto sa mga local na komunidad ng pagsasaka.

Ang pagtutulungan ay katangian ng isang tunay na Pilipino na gagabay sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Pat Marielle Dulnuan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *