Force Multipliers, nakiisa sa Water Search and Rescue Training
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang Water Search and Rescue Training ng Aklan Maritime PNP sa Barangay Caticlan, Malay, Aklan nito lamang ika-16 ng Hunyo 2024.
Katuwang sa aktibidad ang Sangguniang Barangay at Second Aklan PMFC na kung saan ay nagkaroon ng kasanayan sa mga kalahok sa pagresponde sa mga emergency sa tubig, na nagbubunga ng mas mabilis at mas epektibong pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad sa mga sitwasyon ng sakuna sa karagatan.
Ang paglalaan ng oras at pananaliksik sa ganitong pagsasanay ay hindi lamang nagliligtas ng buhay kundi nagtatayo rin ng mas matatag na komunidad na handang tumugon sa mga sakuna.
Patuloy ang grupo sa pakikilahok sa mga ganitong aktibidad upang mas pinaigting ang kanilang kaalaman sa pagligtas sa mga nangangailangan ng tulong.
Panulat ni Julius