KKDAT-Nasipit Chapter, nakilahok sa Community Outreach Program
Nakilahok ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT)-Nasipit Chapter sa isinagawang Community Outreach Program ng mga tauhan ng Nasipit Municipal Police Station sa Nasipit, Agusan del Norte nito lamang Hulyo 2, 2024.
Nagkaroon ng pamimigay ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng mga pagkain, tsinelas, at mga gamit sa paaralan.
Ang mga kabataan mula sa KKDAT ay aktibong nakilahok sa mga aktibidad at tumulong sa pamamahagi ng mga tulong sa mga residente.
Ang pagsasagawa ng Community Outreach Program ay isang patunay na ang pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan ay susi sa pagkamit ng isang ligtas at maunlad na komunidad.
Ang KKDAT at Nasipit MPS Agusan del Norte ay patuloy na maglilingkod at magbibigay ng inspirasyon sa lahat upang magtulungan para sa ikabubuti ng bayan.