One-Time Big-Time Tree Planting Activity, isinagawa sa Tawi-Tawi

Matagumpay na isinagawa ang One-Time Big-Time Tree Planting Activity sa Barangay Karundong, Bongao, Tawi-Tawi nito lamang ika-2 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ng mga Intern Students ng Philippine Last Frontier College ang naturang aktibidad katuwang ang Saviors of the Sea, Special Operations Unit 1 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Mohammad Hashim T Sahidaini, Commander ng SOU1 na nakapagtanim ng 20 na lanzones, limang mangga, at 75 na mahogany seedlings.

Ang aktibidad ay naglalayong makapagtanim ng puno upang mapabuti ang kalikasan, labanan ang climate change, magbigay ng tirahan sa mga hayop, magpatatag ng lupa, at magbigay ng sariwang hangin at lilim sa mga tao.

Patunay lamang na ang aktibidad ay nagpapakita na ang mamamayan at PNP ay patuloy na magsasagawa sa pagpaganda at pangangalaga ng ating kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *