Community Outreach Program, isinagawa sa Sarangani Province

Nagsagawa ang Local na Pamahalaan ng Maitum ng Community Outreach Program na ginanap sa Barangay Kalaong, Maitum, Sarangani Province nito lamang ika-30 ng Seytember 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Maitum katuwang ang Maitum Municipal Police Station na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.

Humingi’t kumulang 300 na Indigenous na mga kababayan natin ang nakatanggap ng Food Packs sa nasabing programa.

Layunin ng mga ganitong aktibidad na mapahatid sa ating mga kababayad ang tulong na nararapat sa kanila alinsunod sa deriktiba ng ating Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *