Symposium on Protocols in Handling cases of Abused Children and Women, inilunsad sa Subic, Zambales

Nagtipon-tipon ang mga guro at guidance counselors ng Subic sa isinagawang symposium ukol sa Protocols in Handling cases of abused Children and Women na may temang : “Pamilyang Tumutugon sa Pagbabago ng Panahon”, nito lamang Setyembre 30, 2024 sa Function Hall Subic Sports Complex, Subic, Zambales.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Subic Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief of Police, Police Lieutenant Colonel Joe Louies I Lo Jr., at naisakatuparan sa aktibong suporta ng lokal na pamahalaan ng Subic.
Tinalakay sa mga kalahok ang mga pangunahing batas gaya ng RA 11313 o Safe Spaces Act, Anti-Rape Law, RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, at ang BIDA Program (Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan).
Sa pamamagitan ng mga paksang ito, inaasahang madaragdagan ang kaalaman ng mga guro at social worker sa wastong paghawak ng mga kaso ng pang-aabuso at sa kampanya laban sa iligal na droga.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong itaas ang kamalayan ng mga guro at guidance counselors sa mga umiiral na batas na maaaring nalalabag sa kanilang pang-araw-araw na gawain, habang nagbibigay ng kaalaman kung paano maiwasang maging biktima ng karahasan o pang-aabusong nakabatay sa kasarian.
Ang naturang hakbang ay isang mahalagang bahagi ng pagtataguyod ng kaligtasan at proteksyon ng mga kabataan at kababaihan sa lipunan.