Awareness Campaign, isinagawa sa Tanza Cavite

Naging matagumpay ang isinagawang Awareness Campaign para sa mga On-the-Job Training Students na ginanap sa Barangay Daang Amaya 1, Tanza, Cavite nito lamang Lunes, ika-30 ng Septyembre 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Tanza Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Willy B Salazar, Acting Chief ng Tanza MPS kasama ang mga estudyante na sumasailalim ng On-the-Job Training ng Grandby, AMORE at KURIOS.
Nagbigay kaalaman ang mga tagapagsalita patungkol Crime Prevention, Tips on 8 Focus Crime, BIDA-Drug Awareness, Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 (RA 9165) at ang masamang epekto nito.
Layunin ng aktibidad na mapalawig ang kaalaman ng bawat isa patungkol sa nasabing batas upang hindi sila maging biktima at maging produktibong miyembro sa kani-kanilang pamilya at sa pamayanan na kinakabilangan tungo sa matiwasay at masayang pamumuhay.