BPATS, aktibong lumahok sa isinagawang Lecture sa siyudad ng Cauayan

Aktibong lumahok at nakiisa ang mga Barangay Peace Action Team (BPATS) at Barangay Officials sa isinagawang lecture ng Cauayan Component City Police Station sa Brgy. Baculod, Cauayan City, noong ika-13 ng Pebrero 2025.

Pinangunahan ni PEMS Danny Ingiaen, SCAD PNCO ng Cauayan Component City Police Station katuwang 86IB 5th Infantry Division at iba pang opisyal ng barangay ang nasabing aktibidad.

Tinalakay ang mahahalagang usapin upang maiwasan ang paglitaw ng anumang kriminal na aktibidad at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng kanilang nasasakupan.

Layunin nito na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at komunidad upang mas epektibong maipatupad ang batas at mapanatili ang kapayapaan sa nasabing siyudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *