BADAC/BPOC Meeting, isinagawa sa Bohol

Nagsagawa ng BADAC/BPOC meeting na ginanap sa Barangay Ubay Island, Tubigon, Bohol, noong ika-22 ng Abril 2025.
Dinaluhan din ito ng Tubigon Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Neon Francis V Alvarez, hepe ng naturang istasyon.
Tinalakay ang iba’t ibang adbokasiya ng pamahalaan tulad ng kampanya laban sa ilegal na droga, terorismo, kriminalidad, pagnanakaw, cybercrime, at pambobomba. Ipinresenta rin ang kampanyang Ligtas SUMVAC 2025 na layuning mapanatili ang kaligtasan ng publiko ngayong bakasyon at panahon ng tag-init.
Layunin ng aktibidad na mapalalim ang ugnayan ng ahensya ng gobyerno at pamahalaang barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad