BPATs nakiisa sa pulong-pulong sa Enrile, Cagayan
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Lemu Norte, Enrile, Cagayan sa isinagawang barangay visitation at pulong-pulong ng Enrile PNP nito lamang ika-20 ng Mayo 2025.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng ugnayan ng pulisya at mga katuwang sa komunidad.
Tinalakay sa nasabing pulong ang mga hakbangin para sa mas epektibong pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa barangay, pagpapalalim ng koordinasyon ng PNP at mga lokal na opisyal, at mga estratehiya upang maiwasan ang paglaganap ng krimen.
Layunin ng aktibidad na mapatatag ang kooperasyon sa pagitan mga ahensya ng gobyerno at BPATs upang mas maging maagap at episyente ang pagresponde sa mga suliraning pang seguridad sa komunidad, alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas.