KKDAT Symposium, isinagawa sa Julita, Leyte

Matagumpay na isinagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Symposium sa Brgy. Poblacion District II, Julita, Leyte nito lamang Hunyo 8, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Julita Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Esteven M Pagtabunan, Acting Chief of Police, katuwang ang Sanggunian Kabataan sa pangunguna ni Hon.Jonald Bueno, SK Chairman.

Tinalakay sa aktibidad ang mga paksa ukol sa R.A. 11313 (Safe Spaces Act) Bawal Bastos Law, Anti-Illegal Drugs, Anti-Bullying, Anti-Rape Law, Executive Order No. 70 (NTF-ELCAC o Anti-Terrorism) R.A. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act), E.O. 70 (End Local Communist Armed Conflict), at iba pang mga paalala sa kaligtasan sa pag-iwas sa krimen ng mga Kabataan.

Ang aktibidad ay naaayon sa Enhanced Management Police Operations (E-MPO) at hakbang sa pagpigil sa krimen laban sa anumang uri ng kriminalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *