Clean-up Drive, isinagawa sa Bukidnon
Isinagawa ang Clean-up Drive na pinangunahan ng PabillaRUN Volunteers sa Brgy Mapayag, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang ika-7 ng Setyembre 2025.
Aktibo ring nakilahok dito ang iba’t ibang advocacy support groups, Brgy Officials, BPATs at mga residente ng nasabing lugar, na nag resulta sa isang matagumpay na aktibidad.
Nagkaisa ang grupo sa paglilibot upang mangolekta ng iba’t ibang klase ng basura.


Tinatayang nasa limang sako ng mga basura ang nakuha.
Layunin nitong hikayatin ang disiplina at malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga residente at makapagbigay ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura.