San Isidro PNP at Barangay Camarag, nagkaisa sa Clearing Operation
Nakiisa ang Barangay Officials sa isinagawang clearing operation sa tulay na nagdurugtong sa bayan ng San Isidro at Echague, Isabela nito lamang ika-4 ng Octobre, 2025.
Pinangunahan ng San Isidro Police Station ang paglilinis kasama ang mga Barangay Officials ng Camarag sa pamumuno ni Hon. Marlon L Millan Brgy. Captain.

Ang aktibidad ay naglalayong alisin ang mga debris, kahoy, mga nahulog na sanga at iba pang sagabal dulot ng bagyong Paolo,upang maging ligtas ang daloy ng tubig at trapiko.

Sa pamamagitan nito, ipinapakita ng kapulisan na hindi lamang sila tagapagpatupad ng batas kundi katuwang sa pagpapanumbalik ng normal na pamumuhay ng komunidad. Ang pagkakaisa ng PNP at pamahalaang barangay ay higit na nagpapatibay sa mabilis na pagtugon at malasakit para sa kapakanan ng lahat.
Source: San Isidro PNP