Volunteers ng PDRRAI/CDAG, nagsagawa ng road clearing at clean-up drive activity

0
viber_image_2025-10-07_14-12-10-391

Nagsagawa ng road clearing operation at clean-up drive ang mga volunteers ng Palawan Disaster Risk Reduction Auxiliary Inc. (PDRRAI) at Civil Defense Auxiliary Group (CDAG) sa Brgy. Abaraoan, Roxas, at Brgy. Lagaoriao sa bayan ng Cuyo Palawan noong Oktubre 6, 2025.

Ayon sa ulat mula sa PDRRAI/CDAG, kabilang sa mga nagsagawa ng aktibidad ang kanilang mga chapter sa Brgy. Culasian, Dumaran, Palawan. Samantala, ay nagsagawa rin ng kaparehong aktibidad ang mga volunteers sa Brgy. Abaraoan, Roxas, at Brgy. Lagaoriao sa bayan ng Cuyo. ay magkatuwang ding nagsagawa ng road clearing operation ang mga volunteers sa Brgy. Panitian, Sofronio Española.

Samantala, nakiisa din ang Cuyo PNP sa paglilinis at pagpapanatili ng kaayusan sa naturang aktibidad.

Layunin ng naturang aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng komunidad at matiyak ang kaligtasan ng mga motorista sa pagdaan sa mga malinis at maayos na kalsada.

Source: Palawan island Network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *