Advocacy Support Group, nakilahok sa Barangay Drug Clearing at Anti-Illegal Drugs Symposium sa Maasin City
Nilahukan ng Advacacy Support Group ang isinagawang Barangay Drug Clearing at Anti-Illegal Drugs Symposium na ginanap sa Old DPWH Building, Brgy. Asuncion, Maasin City, Southern Leyte nito lamang Oktubre 9, 2025.
Ang kaganapan ay dinaluhan ng mga Barangay Chairmen at secretaries mula sa mga munisipalidad ng Bontoc, Tomas Oppus, at Padre Burgos, gayundin ang mga Life Coaches, at mga miyembro ng MAGMA at KARANCHO.

Bago matapos ang aktibidad, nagbigay ng inspirasyonal na mensahe si Hon. Allan Jose K. Aroy, Sangguniang Panlalawigan Member, na nagbigay-diin sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa ilegal na droga at sa mga pagsisikap sa rehabilitasyon.
Layunin ng naturang aktibidad na pagtibayin ang pangako ng buong probinsya sa kampanya laban sa ilegal na droga.