PNP-Isabela at Knights of Columbus-Ilagan, pinatatag ang ugnayan para sa mas ligtas at mapayapang komunidad

0
viber_image_2026-09-08_13-23-04-191

Pinatatag ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Knights of Columbus–Ilagan Council 3705 ang kanilang ugnayan sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kapakanan ng komunidad sa isinagawang 74th Installation of Officers ng organisasyon noong Setyembre 6, 2026 sa St. Ferdinand Parish Church, City of Ilagan, Isabela, kung saan nagsilbing keynote speaker si PCol Manuel B. Bringas, Provincial Director ng IPPO.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PCol Bringas ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng kapulisan at mga organisasyong pangkomunidad sa pagpapanatili ng ligtas at mapayapang pamayanan.

Muling pinagtibay sa okasyon ang matibay na partnership ng PNP at Knights of Columbus sa pagsusulong ng mga inisyatibang nakatuon sa kaligtasan, kapakanan, at pagkakaisa ng komunidad. Ang ganitong pakikipagtulungan ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng community-oriented policing at pagpapalakas ng tiwala at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

Sa patuloy na pakikipagtulungan ng kapulisan at mga katuwang nito, isinusulong ng Isabela PPO ang mas matatag na police-community partnership tungo sa mas ligtas, mapayapa, at nagkakaisang Isabela.

Source: PNP Isabela

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *