Seminar-Workshop on Project HEART, inilunsad para sa mga mag-aaral sa Daet, Camarines Norte
Sa patuloy na pagsusulong ng ligtas at protektadong learning environment para sa kabataan, nagsagawa ang Police Community Affairs and Development Unit ng Camarines Norte Police Provincial Office ng Seminar-Workshop on Project HEART para sa mga mag-aaral ng Grade 11 at Grade 12 ng Camambugan High School sa Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte, noong September 7, 2026.
Tampok sa aktibidad ang talakayang “UNPLUGGED: Disconnecting from Bullying, Reconnecting with Respect,” na nagbigay-diin sa pag-iwas sa bullying at pagtataguyod ng respeto, malasakit, at responsableng pakikitungo sa kapwa.
Tinalakay rin ang juvenile delinquency, criminal liability, common youth-related offenses, applicable laws, at mga karapatan at responsibilidad ng mga mag-aaral upang maging mas mapanuri at responsable sa kanilang mga kilos at desisyon.
Nagbahagi rin sina PMAJ Rosalinda B. Tenso, FJGAD Officer; PCMS Christine B. Daiz; at PSSG Mary Grace A. Herras ng mahahalagang kaalaman, gabay, at karanasan na makatutulong sa mga kabataan upang makaiwas sa masasamang impluwensya, makapagsalita laban sa bullying, at makabuo ng isang paaralang ligtas, maayos, at may paggalang sa bawat isa.
Sa pamamagitan ng Project HEART, patuloy na inilalapit ng kapulisan ang kanilang serbisyo sa mga kabataan at school community na may pangkalahatang layunin na tiyakin ang isang ligtas at mapayapang mga paaralan kung saan malaya at walang takot na nakakapasok ang lahat ng mga mag-aaral.