Dalawang Solar Street Lights, matagumpay na ipinagkaloob sa Cervates, Ilocos Sur

0
viber_image_2026-10-05_09-31-42-373

Mas maliwanag at ligtas na komunidad ang hatid ng 102nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) matapos matagumpay na maikabit at maipagkaloob ang dalawang solar street lights sa Sitio Bantay, Brgy. Libang, Cervantes, Ilocos Sur, noong Oktubre 2, 2026.

Sa pamumuno ni PCPT Oliver L. Gaspar, Acting Company Commander, isinagawa ng mga tauhan ng 102nd MC ang turn-over at installation ng mga solar street lights sa ilalim ng kanilang patuloy na 102nd MC Pailaw Project.

Layunin ng proyekto na magbigay ng sapat na liwanag sa komunidad, lalo na sa gabi, upang mapabuti ang seguridad ng mga residente at mga dumaraan sa lugar. Sa pamamagitan ng solar-powered street lights, inaasahang mababawasan ang panganib ng mga aksidente at iba pang insidenteng maaaring mangyari sa mga madidilim na bahagi ng barangay.

Naging posible ang matagumpay na pagsasakatuparan ng proyekto sa pamamagitan ng pagtutulungan ng 102nd MC, mga opisyal ng barangay, stakeholders, at iba pang katuwang sa komunidad.

Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng sama-samang malasakit ng nagtutulungang komunidad sa kapakanan ng mamamayan, hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan kundi maging sa paghahatid ng mga proyektong direktang napakikinabangan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *