KKDAT Apayao nakiisa sa LGU Caravan

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Apayao Chapter sa ginanap na LGU Caravan sa Musimut, Kabugao, Apayao nito lamang ika-16 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Apayao, Mayor Bensmar Ligwang kasama ang Department of Social Welfare and Development , Rural Health Unit-HRH-Nurses ng Kabugao. Itinampok sa aktibidad ang feeding program, pamimigay ng relief packs, at mga palaro na masugid na nilahukan ng mga kabataan.

Bukod pa rito ay tinalakay at nagbigay kaalaman din ang mga miyembro ng KKDAT Apayao Chapter patungkol sa mga layunin ng KKDAT, panganib na dulot ng paggamit ng illegal na droga, at terorismo.

Ang aktibidad ay naglalayong paigtingin ang magandang ugnayan ng bawat sektor ng komunidad para sa pagpapahalaga at pagbigay suporta sa mga programa at aktibidad na isinasagawa ng ating mga kabataan tungo sa kapayapaan, kaunlaran at kaayusan ng ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *