KKDAT nagsagawa ng Mangrove Planting at Coastal Clean-Up Drive sa Aurora

Pinangunahan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT) ang isinagawang Mangrove Planting at Coastal Clean Up-Drive sa Sitio Diguisit, Barangay Zabali, Baler, Aurora nito lamang Miyerkules, ika-11 ng Oktubre 2023.

Ito ay kaugnay sa pagdiriwang sa Linggo ng Kabataan 2023 kung saan nakipagtulungan rin sa atibidad ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nagtulungan sa pagtatanim ng mga puno ng mangrove at paglilinis ng dalampasigan. Ang aktibidad ay naglalayon na mapanatili ang kagandahan at maiiwas sa polusyon ang karagatan upang maging ligtas para sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *