Advocacy Support Group, nakiisa sa Clean-up Drive sa Tagaytay City

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay Guinhawa South, Tagaytay City nito lamang Martes, Enero 10 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tagaytay Component City Police Station, sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Charles Daven M Capagcuan, Acting Chief na aayon sa Community Mobilization Project, na dinaluhan ni Hon Divina Gracia Alegre (Brgy. Official), grupo ng Philippine Army Reservist at grupo ng Sangguniang Kabataan ng nabanggit na barangay.

Labis ang kasiyahan at pasasalamat ng nasabing barangay sa aktibidad na isinagawa ng grupo na naglalayong masiguro ang kalinisan, kalusugan at kaligtasan ng bawat residente ng nasabing barangay. Source: Tagaytay Component City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *