BPATs sumailalim sa pagsasanay sa Dingalan, Aurora

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa Barangay Poblacion, Dingalan, Aurora nito lamang Biyernes, ika-12 ng Enero 2023.

Isinagawa ito ng mga tauhan ng Dingalan PNP sa pamumuno ni Police Captain Emilio I Dela Cruz, Officer-in-Charge. Tinuruan ang mga BPATs sa Handcuffing Techniques at First Responder Role.

Nagbigay kaalaman rin ang pulisya patungkol sa Republic Act 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004”.

Patuloy ang pagtutulungan ng BPATs at PNP upang mapanatili ang kaayusan at pagbabantay sa pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *