Clean-up Drive, isinagawa sa Aborlon Palawan

Palawan – Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang mga opisyales ng Barangay Tagumpay, Coron, Palawan sa dalampasigan ng Sitio Maquinit, Brgy. Tagumpay, Coron, Palawan, nito lamang Sabado, ika-13 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga opisyales ng Barangay Tagumpay, katuwang ang mga tauhan ng 2nd Platoon, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company, sa pangunguna ni Police Lieutenant Benjamin E Martinez, Platoon Leader, at sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Mhardie R. Azares.

Isinagawa ng grupo ang paglilinis at pamumulot ng mga basura sa nasabing dalampasigan. Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng ating mga dalampasigan at maprotektahan ang ating marine life sa anumang basura na maaring makalason sa ating aquatic resources.

Hinihikayat naman ang mga mamamayan na patuloy na pahalagahan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *