Coastal Clean-up Drive, nilahukan ng Force Multipliers sa La Union

La Union – Masugid na nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers sa Coastal Clean-up Drive na isinagawa mula Watchtower Ili Sur hanggang Urbiztondo sa San Juan, La Union nito lamang Enero 13, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng San Juan-MDRRMO, na siyang nilahukan ng mga tauhan ng La Union PNP, Philippine Coast Guard, Beach Marshals at CRABS Volunteers.

Tinatayang 16 na sako ng mga basura ang nakalap ng mga naturang grupo sa nasabing aktibidad.

Layunin nito na hikayatin ang mamamayan sa kanilang nasasakupan na makiisa sa pagsasaayos ng ating ecosystem at biodiversity upang manumbalik ang luntian ng ating likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *