Force Multipliers, nakiisa sa isinagawang Communal Garden sa Palapag Northern Samar

0
0-02-06-f58611be0b9cbf3ade55c7931c852c706b1007b715c776a9eafae8b50a272266_b30474c4004d86a2

Northern Samar- Nakiisa ang mga Force Multipliers sa Communal Garden sa Brgy. Bagacay, Palapag, Northern Samar noong ika-23 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Bagacay Farmer’s Association katuwang ang mga tauhan ng R-PSB Team Bagacay ng Northern Samar PPO.

Ang aktibidad ay bilang suporta sa proyekto ng DILG na “Halina’t Magtanim ng Gulay at Prutas” (HAPAG) upang wakasan ang kakapusan ng pagkain at maitaguyod ang seguridad at sapat na pagkain hindi lamang sa komunidad kundi sa buong Pilipinas.

Layunin ng aktibidad na patuloy ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng PNP hindi lang sa kapayapaan at kaayusan sa isang lugar kundi pati na rin sa mga proyektong inilulunsad ng gobyerno para sa kabutihan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *