KKDAT, nakilahok sa Coastal Clean-up Drive at Feeding Program sa Antique

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorism (KKDAT) sa isinagawang Coastal Clean-Up at Feeding Program sa Brgy. Natividad, Tibiao, Antique nito lamang ika-23 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tibiao Municipal Police Station katuwang ang Barangay-Based Advocacy Support Group at iba pang mga force multipliers.

Nilinis ng mga kalahok ang mga basura na nakatambak sa naturang baybayin at kasunod nito nagsagawa ng pamamahagi ng libreng meryenda sa mga residente ng nasabing lugar.

Layunin ng KKDAT at ibang sektor ng lipunan na mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ating yamang tubig para sa pangkalahatang kaayusan at kapakanan ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *