KKDAT, nakilahok sa Storytelling Activity sa Eastern Samar

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Mobile Storytelling na ginanap sa Brgy. San Luis, Taft, Eastern Samar nito lamang ika-22 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Taft Municipal Police Station sa pamumuno ni PCpt Angelyn Glou A Cortado, Officer-In-Charge, at aktibong nilahukan ng mga kabataan ng nasabing barangay.

Nagbahagi ng maikling kwento ang grupo na may layuning itanim sa isip ng mga bata ang mga mabuting asal at tamang pag-uugali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *