Livelihood Program nilahukan ng Brgy-Based Support Group sa San Juan City
Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Barangay-based Advocacy Support Group ang isinagawang Livelihood Program na ginanap sa sa Skills and Livelihood Training Center, Brgy. Corazon de Jesus, San Juan City nito lamang Miyerkules, Ebero 24, 2024.
Pinangunahan ito ni Ms Jeddahlyn C Gelera, Food Processing/Baking Trainer at sa pangangasiwa ni G. Lamberao L Obena, Administrative Aide III kasama ang mga tauhan ng SCADS ng San Juan City Police Station.
Ang nasabing pagsasanay ay nilahukan ng mga Single Parents at Senior Citizens mula sa iba’t ibang Barangay ng nasabing lungsod. Sinanay ang mga dumalo sa Baking and Pastry Making na pinondohan naman ng Local Government Unit ng San Juan City.
Layunin nitong bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga ina at mga senior citizen upang matulungan silang makapagnegosyo at maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.