Narvacan Fitness Group, nagsagawa ng Feeding Program

Bilang pagsuporta at selebrasyon sa Women’s Month, nagsagawa ng Feeding Program ang Narvacan Fitness Group (NFG) sa Cadacad Elementary School, sa Barangay Cadacad, Narvacan, Ilocos Sur, nitong Miyerkules, Marso 20, 2024.

Kasabay ng feeding program, ang mga bata ng nasabing paaralan ay nabigyan din ng food packs at nagkaroon ng palaro na labis na ikinatuwa ng mga mag-aaral.

Aktibo namang nakibahagi ang mga kawani ng Narvacan Municipal Police Station sa nasabing aktibidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng naturang lugar.

Regular na nagsasagawa ang NFG ng feeding program upang mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga bata bilang tugon sa paglutas ng malnutrisyon lalo na sa mga batang nag-aaral sa lokalidad ng Narvacan bilang pagtalima sa programa ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: Narvacan Naisangsangayan

Panulat ni Aileen

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *