Advocacy Support Group, nagsagawa ng Clean-up Drive sa Peñablanca, Cagayan

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo – Peñablanca Chapter katuwang ang Barangay-Based Advocacy Support Group sa Barangay Patagueleg, Peñablanca, Cagayan noong ika-13 ng Mayo 2024.

Kasama sa isinagawang aktibidad ang mga tauhan ng Peñablanca Police Station.

Sama-sama at tulong-tulong ang grupo sa paglilinis at pamumulot ng mga basura bilang suporta sa Enhanced National Greening Program ng Gobyerno at ang pangunahing halaga ng PNP na “Makakalikasan” at Project N.A.R.E.N.U (Pag-aalaga At Pagpapanumbalik ng Kapaligiran para sa Susunod na Nagkakaisang Henerasyon).

Ang Advocacy Support Group katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno ay patuloy na maghahatid ng serbisyong nagkakaisa tungo sa payapa at maunlad na lipunan para sa Bagong Pilipinas.

Source: Peñablanca PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *