Feeding Program, isinagawa ng Advocacy Support Group

Nagsagawa ng feeding program ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa Paningayan, Laua-an, Antique nito lamang ika-30 ng Hunyo 2024.

Ang aktibidad ay nilahukan ng mga tauhan ng Laua-an Municipal Advisory Council for Police Transformation and Development, Laua-an Municipal Police Station at dinaluhan naman ng mga bata ng nasabing lugar.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng libreng meryenda mula sa grupo na makakatulong na maibsan ang malnutrisyon sa mga bata.

Layunin ng grupo na matulungan ang mga kababayan natin na lubos na nangangailangan at maipadama ang malasakit at pagmamahal nila sa kanilang kumunidad.

Source: Laua-an Municipal Police Station

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *