Culianan National Highschool, nakiisa sa Crime Prevention Symposium
Kasama sa pagdiriwang ng ika-30 National Crime Prevention Week(NCPW) nagsagawa ng isang symposium tungkol sa anti-illegal drugs at crime prevention sa Culianan National Highschool, Zamboanga Sibugay noong Biyernes ika- 13 ng Setyembre, 2024.
Ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng Naga Municipal Police Station na pinamunuan ni Poloce Major Arnold A Espares, Acting Chief of Police, katuwang ang mga Barangay opisyales at guro.
Ang pagtitipon ay nakatuon sa mahalagang papel ng pakikilahok ng komunidad sa kampanya laban sa ilegal na droga, na binigyang-diin ang pagpapatupad ng OPLAN PASPAS at mga probisyon ng Anti-Bastos Law.
Namahagi rin ng mga materyales para sa Information, Education and Communication (IEC) upang higit pang itaas ang kamalayan hinggil sa mga mahahalagang inisyatibo. Hinihimok ng inisyatibong ito ang mga kabataan na maging parte sa paglaban sa kriminalidad.
Ang kanilang partisipasyon ay kinakailangan upang patuloy na mapanatili ang kaayusan sa komunidad.