LGU Enrile, nakilahok sa talakayan ng mga Proaktibong hakbang para sa Seguridad

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction Council sa pamumuno ni Hon. Miguel B Decena Jr, Municipal Mayor sa ginanap na meeting para talakayin ang mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga nasasakupan bilang paghahanda sa mga posibleng epekto ng Bagyong “Julian” noong ika-30 ng Setyembre 2024.

Katuwang sa aktibidad si PCpt Precil Morales, Deputy Chief of Police ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office, kinatawan mula sa BFP, at Rural Health Unit.

Nagbigay rin kaalaman ang kapulisan patungkol sa paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong “Julian” upang matiyak ang tamang proposisyon bilang bahagi ng mga pro-aktibong hakbang sa loob ng ating lugar.

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kamalayan ng mamamayan at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *