BPSO at Opisyales, nakiisa sa BADAC Meeting sa Barangay Tan-awan, Oslob, Cebu

0
viber_image_2025-10-09_12-44-43-885

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng BPSO at Opisyales ng Barangay sa BADAC meeting na isinagawa sa Barangay Tan-awan, Oslob, Cebu, noong ika-8 ng Oktubre 2025.

Ito ay sa pangunguna ng Oslob Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ ALEJANDRO PESCANTE BATOBALONOS, Officer-in-Charge.

Layunin ng nasabing pagpupulong na masubaybayan at matugunan ang anumang ilegal na aktibidad sa barangay, partikular na may kinalaman sa ipinagbabawal na droga. Tinalakay rin ang mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga residente sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng curfew ordinance.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mababawasan ang mga insidenteng nagdudulot ng kaguluhan o paglabag sa batas, lalo na sa gabi.

Ang nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng PNP at pamahalaang barangay sa pagpapatupad ng mga programa para sa isang ligtas, mapayapa, at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *