Mga mag-aaral, guro at kapulisan, magkasama sa ginanap na Flag Raising Ceremony sa Aklan
Magkaisang itinaas ang watawat ng Pilipinas ng mga mag-aaral at mga guro ng Manika Elementary School kasama ang mga kapulisan ng 3rd Maneuver Platoon, 1st Aklan PMFC, sa ilal ng pamumuno ni PMAJ KLARENZ L SIA, Officer In-Charge, sa idinaos na flag raising ceremony nito lamang Lunes sa Libacao, Aklan.

Pinangunahan mismo nina Pat Ruel Enesebio, Pat Marco Palmes at Pat Junel Zarsa ang pagtaas ng watawat ng Pilipinas kasama ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Bahagi ang programa sa pagbabantay ng mga awtoridad sa kaligtasan ng bawat mag-aaral at pagpapanitili ng kaayusan hindi lamang sa Manika Elementary School khndi sa buong lalawigan ng Aklan.