Advocacy Support Groups, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Alcala Pangasinan

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Advocacy Support Groups sa Brgy. San Juan, Alcala, Pangasinan nito lamang ika-18 ng Hulyo 2023.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ay ang Force Multipliers, KASIMBAYANAN volunteers, at Alcala PNP na pinapangunahan ni Police Major Regin E Cabico, Chief of Police. Layunin ng grupo sa naturang aktibidad na ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat sa mga puno na siyang nagliligtas sa atin sa panahon ng tag-ulan.

Patuloy ang iba’t ibang grupo sa pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa pag-aalaga ng kalikasan upang hindi ito masira at mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon. Source: Alcala Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *