2,000 binhi, naitanim sa 2024 Provincial Tree Planting Day

Daan-daang mga boluntaryo sa pangunguna ni Davao Oriental Governor Hon. Niño Sotero Uy, ang nagtipon-tipon nito lamang Hunyo 22, 2024 sa Barangay Sanghay, Lungsod ng Mati, Davao Oriental, para sa taunang pagtatanim ng puno na tinawag na Million Trees Movement.

Ang okasyong ito ay hindi lamang nagpapahayag ng ika-15 anibersaryo ng programa kundi nagpapasimula rin ng isang linggong pagdiriwang ng ika-57th Araw ng Davao Oriental.

Kabilang naman sa aktibong nakiisa rito ang Davao Oriental Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Captain Jerome D Bueno, Deputy PCADU at Regional Police Community Affairs and Development Unit 11.

Ang mabusising planadong kaganapan ay nagresulta sa pagtatanim ng higit sa 2,000 piniling binhi, kabilang ang mga puno na nagbubunga at katutubong uri, sa ilalim ng gabay ng Environment and Natural Resources Office (ENRO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *