Security Assistance, handog ng Bacuag BPATs sa Inter-Barangay Basketball Tournament

Naghandog ng security assistance ang mga personahe ng Bacuag Municipal Police Station kasama ang Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) sa isinagawang Inter-Barangay Basketball Tournament nito lamang Hunyo 22, 2024 bandang 4:30 ng hapon na ginanap sa Covered Court, Barangay Dugsangon, Bacuag, Surigao del Norte.

Ang paligsahan ay isa sa mga tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng ika-106th na Anibersaryo ng Annual Fiesta ng Barangay Dugsangon.

Ang patuloy na suporta at kooperasyon ng mga BPATs at mga opisyal ng barangay ay nagbigay ng malaking tulong sa pagpapatupad ng mga programa ng PNP.

Sa ganitong paraan, nagiging mas epektibo ang pagpigil sa krimen at natugunan ang pangangailangan ng seguridad ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *